Seize the Day Finale

I was the first one to wake up. And when I opened my eyes, nakita kong natanggal na yung unan sa pagitan namin ni Maya. Nakapatong ang ulo ni Maya sa dibdib ko, her arm hugging me across my waist and my right arm on her right shoulder, nakapatong sa braso nya yung left arm ko. I looked at my clock and it says that it is 5AM. Too early.

Gumalaw si Maya kaya hindi ako nagtangkang gumalaw, pero naramdaman kong nagising siya.

“Maya?” tawag ko.

“Ay kalabaw!” Sabay alis niya sa posisyon niya tapos umupo siya sa kama. “Naku, Richard, hindi .. hindi. . . ano . . ahh . . hindi ko sinasadya .. kasi . . ano . .” pautal-utal niyang sabi.

I laughed. She looks so embarrassed. She’s even blushing. Umupo na rin ako. “You’re so cute, Maya.”

Tinakpan niya ng kumot yung mukha niya. “Ehhh naman kasi Richard ehh.”

Inalis ko yung kumot sa mukha niya. “Matulog pa tayo. Maaga pa. Linggo naman eh.” She nodded. Tapos pumwesto siya sa kabilang side ng kama, malayo sa’kin, facing away from me. I bit my lower lip while I’m smiling. I just can’t resist this. Humiga ako malapit sa nakatalikod na si Maya. I put my arm around her waist na parang niyayapos ko siya ng patalikod. We’re cuddled at that small side of the bed.

“ . .Richard?”

I kissed her hair. “Shh. Matulog ka na. I’m not going anywhere.”

 

When I woke up, it’s currently 8AM. Maya is now facing me, my arm still around her waist. Napangiti na naman ako. I never imagined us to be like this. Umalis ako nang dahan dahan sa kama. May isa pa kaming problema – ang mga tao sa bahay. Paniguradong magugulat sila ‘pag nakita nilang lumabas si Maya sa kwarto ko. Kailangan ko munang makausap si Manang Fe.

 

I got a piece of paper and I write on it, telling Maya not to leave my room until I got back. That should keep her from going outside.

 

Dali-dali akong lumabas. I saw the kids preparing breakfast.

“Hi Dad!” “Good morning Dad!” mga bati nila.

“Good morning din.” Why do I feel so embarrassed?! “Si Manang Fe?”

“Nasa kwarto niya Dad, pero pabalik na po yun.” Sabi ni Luke. Argh, I can’t look straight at them.

“Dad is it true na nakita na raw yung plane nina Tita Maya? And that she’s safe?” tanong ni Nikki.

I just nodded. Wait. Tita Maya? Since when did she call Maya as Tita?

“Mga bata, dalian niyo na dyan bago pa bumaba sina Maya at Ricardo . . –“ biglang napatigil si Manang Fe sa pagsasalita pagpasok niya sa kusina kasi nakita ako. “Ricardo? Eh si Maya?”

“Manang!” what’s happening? I feel like I’m turning red.

“Dad, we already know.” Sabi ni Luke. WHAT?! Oh, crap.

“Dad, don’t make sisi of Manang Fe. It was Abbie who told us.” Sabi ni Nikki.

“Sorry Daddy, I can’t keep it as a secret. Na-excite po kasi ako.” Sabi naman ni Abbie.

Suddenly, all of my anger is gone. Napangiti na lang ako. “I’m sorry that it took too long bago ko nasabi sa inyo.”

“It’s ok Dad. We understand. Saka napapansin na din naman po namin eh. Lalo na nung nawala si Tita Maya. Nakikita namin kayong  malungkot sa office eh.“ sabi ni Luke.

“Hindi kayo galit?”

“No Dad! We’re glad nga na si Tita Maya pala yung girlfriend mo eh. Kasi botong-boto naman kami sa kanya.” Sagot ni Nikki. I smiled again. I can’t believe that the kids accept me and Maya.

“Go ahead na Dad! Gisingin mo na si Tita Maya.” Sabi ni Abbie.

 I nodded. “Wait. How did you know she’s here?”

“Ah, ako na ang sisihin mo dun, Ricardo. Tanghali na kasi at hindi ka pa nagising kaya pumasok ako sa kwarto mo. Ayun, nakita kong mahimbing ka palang natutulog kayakap si Maya.”

“OMG Dad! You slept with Tita Maya?” gulat na sabi ni Nikki.

“I – it’s not what you think. We – we’re just . . sleeping!”

“Uy si Dad, namumula.” Sabi ni Luke. Then they laughed. Oh God, I’m so embarrassed right now.

“I’ll wake her up.”

Nang nakarating ako sa kwarto, nakita kong tulog pa rin si Maya. Umupo ako sa kama, at pinanood siyang matulog. Then I decided to wake her.

“Maya.” I said while I’m poking her arm.

“Hmm . . .”

“Maya, kakain na . .”

“Mamaya na Emman.”

I smiled. “Si Richard ‘to.”

Biglang nagising si Maya, diretso upo. “Sir Chief! Este Richard! Anong oras na?”

“8AM.” Di ko mapigilang mapangiti.

“HA? Hala, paano ako baba nito, ehh gising na yung mga bata.” She looked so worried. I just laughed. “O? Natawa ka pa dyan eh problema ‘to. Oy, magsalita ka naman!”

Hinawakan ko yung kamay ni Maya. “Don’t worry Maya. Alam na nila.”

“Alam na nila?! Naku naman. Eh ba’t masaya ka pa?”

“Bumaba na tayo Maya.” I’m still holding her hand even when we’re outside of my room. Inaalis ni Maya yung kamay niya sa pagkakahawak ko pero I’m not letting go.

“Sir Chief! Yung kamay ko!”

“Ano nang nangyari sa Richard ko? Alam na nga nila. Ang kulit mo naman eh.”

“Tita Maya!” sabi ni Abbie. “Good morning po!”

“. . H – hi Abbie.” She greeted shyly.

Pinaupo ko si Maya sa tabi ko. “Richard ay, Sir Chief pala. Dun na ko sa tabi ni Abbie.”

“Tita Maya, there’s no need to be shy. Alam na namin. Dyan ka na sa tabi ni Daddy.” Sabi ni Abbie.

“Alam nyo na talaga?” They nodded. “Pano niyo nalaman?”

“Because of Abbie and Manang Fe.” Sabi ni Luke. “You see, Tita, Dad told Abbie, eh itong si Abbie hindi nakapagpigil. Tapos sabi naman ni Manang, you’re sleeping with Dad.”

Tinakpan ni Maya yung mukha niya. “Eeehhhh. Ayan kasi Richard! Dito mo pa ako pinatulog.”

We laughed. Kinuha ko yung isang kamay niyang nakatakip sa mukha niya. “I need to thank you for sleeping with me, Maya. Ngayon lang ulit ako nakatulog nang mahimbing.” Sabi ko.

Tiningnan na lang ako ni Maya. “Talaga?”

“Oo. And it’s because I know that you’re safe.”

She blushed. Then she stands up. “Ipagtitimpla na nga lang kita ng kape.”

“Hay nako, we should eat na. It’s getting too cheesy and it’s early in the morning pa lang.” biro ni Nikki.

We laughed.

Maya spent the whole day here. I called Cristina Rose for Maya. After talking to them, she’s already crying. She’s now talking with Doris and Sabel. I think nakikitsismis na yung dalwang yon gawa ng relasyon namin ni Maya. I’m on the veranda, nakatingin lang sa labas. I’ve been through a lot and adding this to the list is so worth it. I know na marami pang chapters ang buhay ko ngayong alam na nila na mahal ko si Maya. And I’m ready to face it, kahit ano pa ‘yon. Because I really think that Maya, the same woman that was so annoying before, is the one I want to spend the rest of my whole life with.

 

 

Epilogue

 

Looking back from now, I can say that we’ve been through a lot especially with Maya in my life. I can say that she’s still her. She still cries because of the little reasons, she’s still working hard as a FA, she’s taking care of her family and even my kids. And she’s always looking after me.

It’s been a year after the kids found out about our relationship. And yes, they accepted us wholeheartedly. They simply like Maya, and that’s it.

I’ve also told my parents about us. They even invited us to spend our weekends there, so Maya and I shared my old room in our old house. It seemed like my mom knew from the start when she met Maya, that one day, I’m going to fall in love with her. And my father is so happy that I finally met a woman who is going to make me happy again. He even told me that Maya is indeed a keeper, so I always have to take care of her.

Everything is going smoothly now. No troubles, no accidents, just plain life happening. She’s still my girlfriend. I’m planning to ask her if she wants to get married, but I’m still waiting for the right time. It’s all about timing, I think. And I also have to find a way to make it special because she is a special woman in my life. So I came up with this plan.

“Lakad na Richard, male-late na ko.” Sabi ni Maya.

“Fine. Pinagtatabuyan mo na ko eh.”

“Oy, hindi naman. Ito naman, tampo agad. Sorry na.”

I smiled. “Ok ok. Mag-ingat ka ha. Wala ako sa bahay mamaya, may bibisitahin akong planta.”

“Oo na po Sir Chief.” She laughed. “Sige na, babay.” She kissed me then she’s off.

Now for my scheme.

(Maya’s Point of View. Nagreready pa si Sir Chief. Hahaha)

“Tara na Emman.” Sabi ko. Masaya ako ngayong araw kasi si Emman yung makakasama ko sa plane. Naging FA na rin kasi siya eh.

“Hay nako, roomie. Por que sa San Nicolas ang flight natin eh gusto mo na agad umalis?”

“Hindi naman Emman. ‘To talaga. Ehh hindi mo na ‘ko roomie diba?”

“Roomie, kahit kina Sir Richard ka na natutulog, you’re still my roomie. O sya tara na nga.”

Pumasok na kami ng eroplano. Tapos nagtrabaho na kami. Kahit na paulit-ulit lang yung mga ginagawa namin, masaya pa rin ako. Eh kasi naman diba, sinong mag-aakala na ang probinsyanang katulad ko, matutupad lahat ng pangarap niya. Tapos pati yung taong nilalaman ng puso ko, mahal din ako. Hayy, sino bang hindi gaganahan kapag maayos ang lahat?

Nakarating na kami sa San Nicolas. Gusto ko sanang bisitahin sina Nanay kaso saglit lang kami dito. Nagpaalam muna ako kay Emman kasi bibili ako ng souvenir para kay Richard. Pagkatapos kong bumili, naglakad na ako pabalik ng eroplano. Pero hindi ko makita si Emman.

“Uhm, Miss?” sabi ko sa isang FA. “Nasan yung flight ng San Nicolas to Manila?”

“Ay naku, kakaalis lang.” Sagot niya.

“HA?! Naiwan ako? Naku, pano na ‘to?” Hala naman Maya! Ikaw kasi eh babagal-bagal ka. Pumunta ako sa counter para magtanong. Ang sabi nila, kailangan ko daw ng ticket para makabalik, ehh hindi naman ganun ang instructions samin eh! Hala! Ano ba ‘to! Gusto ko mang tawagan si Richard ehh ang kaso baka nasa flight din ‘yun. Naman ehhh! Tatawagan ko na lang si Kute.

“KUTEEEEE!!” sabi ko agad pagkasagot niya ng telepono niya.

“O bunso, napatawag ka?”

“Kuteee, naiwan ako nung eroplano ko!”

“Ha?! Bat ka naman iiwan non?”

“Ewan ko nga eeeh. Nung pabalik na ko, ang sabi nila, kakaalis lang daw. Kuteeee!”

“Eh si Richard? Tinawagan mo na ba? Baka may maitulong ‘yon.”

“Baka nasa flight din eh. May bibisitahin daw siyang planta ehh.”

“Ganon? O sya, ganito na lang. Umuwi ka muna dito sa bahay. Tutal nandito ka na rin naman sa San Nicolas eh.”

“Sige Kute. Ano ba yan, ang malas ko talaga!”

“Hay, bunso. O sya, lumakad ka na. Sige na, babay.”

Umuwi nga ako sa bahay. Pagkadating ko don, sinalubong agad ako nina Nanay. Ayun, as usual, iyakan na naman kami. Sinubukan kong tawagan sina Abbie at Manang Fe, kahit sina Doris at Sabel, pero walang sumasagot sa kanila. Nasan kaya sila?

Sinubukan kong tumulong sa chibugan nina Kute kaso ang sabi nila pagod ako kaya hindi na nila ako pinatulong. Kaya ito, walang magawa ang flight stewardess na si Maya. May problema kaya sa phone ko? Kasi kahit si Emman, hindi sinasagot yung telepono niya eh.

Wala talaga akong magawa sa bahay kaya naisipan ko na lang mag-gala. Nagpaalam ako kay nanay, sabi ko pupunta ako dun sa paborito kong lugar, ‘yung lugar nina nanay at tatay? Pero ewan ko ba kay Nanay, nung sinabi ko sa kanya na pupunta ako dun, bigla na lang siyang naluha. Tapos sinabi niya sa’kin na mabait siyang lalaki. Hindi ko nga alam kung sino yung tinutukoy niyang lalaki eh. Pero feeling ko si Tatay. Kaya eto na ‘ko, papunta sa lugar na iyon.

(Sir Chief’s Point of View. Nagbabalik na siyaaaaa!)

I’m so nervous. Mas kinakabahan pa ata ako kaysa nung huli ko ‘tong ginawa. I’m wearing my blue long sleeve shirt na sinuot ko noong nasa Baguio kami. (Hihi, mas pogi kasi si Sir Chief non, haha. Enough of the scenes na naka-polo siya lagi. Maiba naman, hihi) Palakad-lakad ako para maalis ang kaba ko.

Maya should be here soon.

Yes. I’m the reason kung bakit siya naiwan ng eroplano. Pinlano ko lahat. Kinausap ko si Emman, yung mga taga Time Airways, lahat ng staff sa airport dito para kung sakali mang magtanong si Maya, hindi sila madudulas. I told my family not to answer her calls, pati pamilya ni Maya, kasabwat ko rin. Pumunta na kasi ako dito last week para magpaalam na gusto kong pakasalan si Maya. And I was so happy na pumayag si Nanay Teresita. I told them na kung mangyari ang lahat ayon sa gusto ko, gusto kong pauwiin nila si Maya, tapos papuntahin siya dito. O kaya hayaan siyang walang ginagawa para ma-bore siya. Kung mangyari ‘yon, dito siya pupunta – sa lugar na kung saan inaaway niya ako noon. Ang sabi kasi niya, paborito niyang lugar ‘to but since we had our first big fight here, ‘yun na lang ‘yung naaalala niya dito. So I’ve decided na dito mag-propose. So she can have a whole new reason again para mahalin ang lugar na ‘to.

What’s taking her so long?

Then finally, I heard footsteps. I already knew that it’s her. Kaya nagtago na ako.

Umupo si Maya sa isa sa mga bench. She’s just staring at the view. After a while, napansin kong parang nagpupunas siya ng luha. Si Maya talaga.

“Ano ba ‘to. Umiiyak na naman ako.” Sabi ni Maya. She’s talking to herself. “Kasi naman Maya eh, inaway mo pa si Richard dito, ayan tuloy, ‘yun lang yung naaalala mo.”

“Pwede naman nating baguhin diba?” sabi ko. Lumingon lingon siya.

“Sino ‘yon!” sigaw ni Maya. “Hala Maya! Naeengkanto ka naaaaa.”

“No you’re not.” Sabi ko. Then she finally spotted me.

“Richard?” I smiled. “Akala ko ba may planta kang bibisitahin?”

“I changed my mind. Mas importante ang kaligtasan ng girlfriend ko kaysa sa kahit anong planta ko.”

She blushed. “Ha? Ehh lagi naman akong nag-iingat eh.” Tumabi na ‘ko sa kanya. Then I held her hand.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya.

“. . Inaalala mo pa rin ba ‘yung away natin dito?” tanong ko.

“ . . Oo.”

“Forget about it.”

“Hindi ko malilimutan ‘yon no. Sa dami-dami kasi ng lugar dito sa San Nicolas, dito pa tayo nag-away, ayan tuloy, hindi ko malimutan.” Tapos tumayo siya. Nakatalikod siya sa’kin.

I’m biting my lower lip again while smiling. Tumayo na rin ako. Niyakap ko siya patalikod. “Galit ka nanaman ba?” bulong ko sa tenga niya.

Napansin kong namumula nanaman siya. “Hi – hindi no. Naiwan kasi ako nung flight ko . . kaya . . “

“Alam ko na.” Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Tapos may inabot ako sa mga dahon ng puno. Nalaman ko kasi sa kanya na ganito nag-propose ang tatay niya. Kinuha ko ang isang kulay blue na box sa itaas. This is it.

“Ano ‘yan?” tanong ni Maya.

“Prutas nung puno.”

“Ha?! Eh bakit kulay blue?”

 I laughed at her. Then I stopped. I looked straight into her eyes. Carpe diem, Richard.

I took one last breath, tapos lumuhod na ako in front of her. I took her right hand.

“Maya dela Rosa. You came into my life when I’m not expecting anyone to come. You made me see what a loveless father I have been to my kids. You always bring me hope when I seem to be losing all the hope in the world. You even loved me even though I hated myself back then. You made me a better man. Ikaw ang dahilan ng lahat ng magagandang bagay na nangyari sa buhay ko, Maya. I know na maraming beses kitang nasaktan bago ko naamin sa sarili ko na mahal kita. Kaya ngayon, handa akong ibigay sa’yo ang buong buhay ko.” I can see that while I’m talking, she’s already crying. “Hayaan mong masuklian ko lahat ng pag-aaruga, pag-aalala at lahat ng pagmamahal na ipinadama mo sa’kin.” Binuksan ko yung mallit na box. Nasa loob ‘non ang isang singsing. “I want to spend the rest of my life with you, every hour, every minute, every second and even every millisecond of it. Maya, will you marry me?”

She’s still crying. Please, say yes.

“Richard naman eh . .” pinigil niya yung iyak niya. Nagpupunas na rin siya ng luha. Then finally, she answered.

“Yes. I’ll marry you.”

A tear escaped from my eye.  It’s like music to my ears. Sinuot ko na sa kanya yung singsing. Tapos tumayo ako para yakapin siya ng mahigpit. I’m so happy. We’re finally getting married!

I looked at her. I cupped her face para mapunasan ko yung luha niya.

“Naiyak ka din eh!” sabi ni Maya. We laughed.

“Nahahawa na ko sa’yo eh!” I kissed her forehead. “Mahal kita, Maya.”

“Mahal din kita, Richard!” Then I kissed her.

 

Umuwi na kami sa bahay nina Maya. Tuwang-tuwa ang buong pamilya niya. I even told my parents about it. Tapos nakauwi na kami sa Manila. Nalaman na rin ng mga bata. They are all excited kasi finally, magkakaroon na daw sila ng Mommy. Kahit sina Manang Fe, Masaya para sa’ming dalawa. I even told Raffi about it.

Right now, we’re all psyched about the wedding. We’re already planning every detail about it. I want this to be memorable. I always spend every night with Maya sleeping with me. I love her so much. And from now on, my heart beats only for her, and I know her heart beats for me. I know that she’s not worried because I will always take care of her and she knows that I will always be careful with her heart.

Advertisements

One thought on “Seize the Day Finale

Your thoughts?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s