Goodnight, Goodnight Chapter 7

It’s my third day here in Cebu.I’m currently working on the site. I want to forget what happened the other day, it’s just too painful.  I just want to keep working.

 

 

“Chief, there’s someone who’s looking for you.” Sabi ni Sonny while I’m reviewing proposals.

 

“Ok. Tell everybody to go have dinner muna, Sonny.”

 

“Ok Chief.”

 

 

I went outside the site. I wonder who’s looking –

 

 

“Chard.” I already knew who was looking for me just because of her voice.

“Just leave, Maya.” I told her while I walked away.

“Teka lang naman kasi! Ni hindi mo pa nga napapakinggan yung nangyari eh!”

“For what?! It’s all over!”

“Makinig ka muna kasi Richard!”

“Fine!” I turned around to face her. “Explain yourself.” I crossed my arms.

She looks nervous all of the sudden.
“O, akala ko ba may sasabihin ka?” sabi ko.

“Wait lang!” She took a deep breath.

“Di ba, ayos pa tayo nung 1st month na wala ako? . . . After non . . .na-stroke si Mamang.” She sobbed. “Naubos yung ipon namin ni Kute para sa pagpapagamot namin sa kanya. Sinanla ko yung cellphone ko para may konting pera pa kami. Pagkalipas ng ilang araw . . . . namatay na si Mamang.”

She’s crying hard now. I can’t take it. Nilapitan ko na siya, tapos niyakap ko. She hugged me back while she cries.
“Pasensya ka na talaga, Chard. Sorry talaga. Binaon ko kasi yung sarili ko sa pagtatrabaho para makaipon kami ng pera. Si Kute naman, dito na rin sa Cebu nagtrabaho para may nagbabantay kay Nanay habang wala ako. Pasensya ka na talaga. Plano ko namang bumalik sa Maynila eh. Sorry talaga. Sorry.” She’s still crying.

I hugged her tighter. “Sorry din. Hindi dapat kita nasigawan. I should’ve let you explain.”

 

Hinayaan ko muna siyang umiyak. I never thought na ganun pala ang nangyari sa kanya.

 

“Sige na, Chard. Alam kong busy ka.” Kumawala siya sa yakap ko. “Ok na ko.” Then she smiled. But her smile doesn’t touch her eyes. Alam kong hindi ‘yon totoo.

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko. Then I dialled Engr. Yamaguchi’s number.

 “It’s me, Richard. . . . . . Yes . .”

I looked straight into her eyes. “Tell them I’m going home. Something came up.”

BInalik ko sa bulsa ko ‘yung phone.

“Tara, ihahatid na kita.” Sabi ko sa kanya.

 

….

 

I’m inside their house, having coffee. Maya insisted.

“Chard, ito si Nanay Teresita. Nay, si Richard po.”

“Magandang gabi ho.” Bati ko.

“Ay, magandang gabi rin. Kumain ka na ba? Ipaghahain kita, teka lang.”
“Ah, ‘wag na ho. Kumain na po ako mula sa trabaho. Umupo na ho muna kayo para makapagpahinga na kayo.”

“Nay, hahanapin ko lang ho si Kute ah.” Sabi ni Maya.

Aling Teresita smiled at me. “Siguro’y nagkukwento si Maya sa’yo, ano?”

“Opo. Mahilig pong mag-kuwento ‘yang anak niyo eh.”

“Kasi ikaw, lagi ka niyang kinukwento sa’min. Ang saya-saya nga niya kapag nababanggit ‘yung pangalan mo eh. Kaso ayun nga, maraming nangyari, kaya hindi ko na siya masyadong nakikitang ngumiti.”

I just nodded. “Pasensya nga pala ha, eh ang liit kasi ng bahay namin. Mainit ba?”

I smiled. “Ayos lang po ako.”

 

Their house might be small compared to mine, pero nagsisiksikan naman ‘yung pagmamahal nila para sa isa’t-isa.

 

“Kayo po? Kumusta? Nakapagpa-check-up na po ba kayo?”

“Hindi pa eh. Baka sa susunod pang buwan. Iniintay pa kasi namin ‘yung sweldo ni Maya.”

“Chard, eto si Kute o. Kute, si Richard.” Sabi ni Maya.

“Ahhh ikaw pala si Richard. Bakit parang nakita kita sa Lim Aviation kanina?”

“Ah, ‘dun ako nagtatrabaho . . “

“Ay nako, Kute, siya kaya ang may-ari nun.” Singit ni Maya. My cover’s been blown.

“Ikaw si Richard Lim?! Naku bunso! Ilabas ang electric fan!” natawa kami.

“No need, ayos lang ako.” Sabi ko. “Aling Teresita – “

“Richard, Nay nalang ang itawag mo.” Sabi niya.

I smirked. “Dadaanan ko po kayo dito bukas ng umaga. Sasamahan ko po kayong magpa-check-up.”

“Chard . .” sabi ni Maya.

“Maya, hindi maganda na hindi niyo napapatingin sa doktor si Nanay, baka lalong lumala ‘yung sakit niya. Don’t worry about the bills, ako na.”

“Ay, sobra na ‘yan.” Sabi ulit ni Maya.

“Let me do it, for Nanay’s sake.”

“Sige na nga.”

“Good. Nanay, Kute, uuna na ho ako. Lumalalim na po ang gabi eh.”

“Sige Richard, ingat ka ha? Maya ihatid mo yan sa labas.”

 

“I’ll be here tomorrow at 8. Sumama ka na rin.” Sabi ko kay Maya.

“Bakit, Chard? Bakit mo ‘to ginagawa?”

I looked at her. “I just don’t want to see you cry again. Sorry ulit.”

She finally smiled. “Ako rin, sorry. Lumakad ka na.”

I kissed her on her cheek. “Goodnight.”

“Goodnight, Chard. Babay.”

Advertisements

Your thoughts?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s