Goodnight, Goodnight Chapter 3

I couldn’t meet her for the next two weeks after I asked her that question. I’m currently on my way home. I was in US for some conference about work.

“Ay Sir, welcome home po.” Bati ni Doris.

“Salamat.” Nagmamadali na akong pumasok ng bahay, umuulan kasi.

“Sir, dinner po?”

“Ahh, di na. Kakakain ko lang kanina.” It’s currently 7PM. I wonder if . .

“Ricardo. May babaeng naghahanap dito sa’yo nung wala ka.” Sabi ni Manang Fe.

“Sino daw po?”

“Maya raw eh. Kapitbahay lang natin.”

Oh damn. Hindi ko nasabi sa kanya na paalis pala ako. “Sige Manang, magbibihis lang po ako.”

Dali-dali akong umakyat para magbihis. After that, I went outside. It’s still raining heavily. I wonder if nag-iintay pa rin si Maya.

And I was right, nag-aantay nga siya sa labas.
“Maya!” I called her. And when she heard my voice, she smiled all of the sudden – and it made my heart stop.

Lumapit siya sa’kin. “Oy Richard! Ano nang nangyari sa’yo?” matamlay niyang sabi.

“Why do you look pale?” tanong ko.

“Ha? Ano . . wala ‘to. Polbo lang siguro.”

I doubt it. “Saka bakit parang wala ka pang tulog? Ok ka lang ba?”

“Oo . . ok lang . .” hindi na niya naituloy yung sinabi niya kasi nawalan na siya ng malay.Buti na lang at nasalo ko siya.

“Maya” tinatapik ko yung pisngi niya. “Maya.” Pero hindi pa rin siya nagigising. Binuhat ko siya papunta sa bahay ko.

Inihiga ko si Maya sa sofa sa salas. Tulog pa rin siya. I wonder what happened to her.

“Ricardo, ikaw ba ‘yung pumasok?” sambit ni Manang Fe habang papunta sa salas. “Sino ‘yan?” sabi niya agad pagkakita niya kay Maya.

“Siya ho yung si Maya.”
“O eh bakit nandito?”
“Hinimatay ho eh.”

“Ha?” dali-daling lumapit si Manang. “Naku naku. Maya, ineng.” Gising ni Manang Fe. Moments later, she finally woke up.

“Ayan nagising na rin. Teka lang at kukuha ako ng tubig.” Sabi ni Manang Fe.

“Maya, anong pakiramdam mo?”
“. . . Richard? Asan ako?”
“Nasa bahay . . . namin. Hinimatay ka eh.”

“Ganun? Naku, baka hanapin na ko!” dali-dali siyang umupo.

“Maya, wait.” Dinampi ko ang kamay ko sa noo at leeg niya. “Nilalagnat ka eh. Bakit ka pa kasi lumabas?”

“Ehh . . kasi . . ano, ilang araw ka kasing wala eh . . akala ko kung ano nang nangyari sa’yo.”

She cares for me? “Pasensya na, umalis kasi ako eh. ‘Di kita nasabihan.”

“San ka ba ga-“

“Eto ang tubig. Pati gamot, inumin mo Maya.” Sabi ni Manang Fe pagkabalik samin.

“Ay salamat ho.” Sabi ni Maya. “Kayo ho ba ang boss ni Richard?”

Oh crap. I looked at Manang Fe and I gave her these eye looks na nagsasabing umoo na lang siya at hindi ako ang boss dito. Manang Fe’s looking at me like I’m crazy.

“. . Ah . ano, hi-hinde ako.” Damn, Manang! I continued giving her signs. “Wala pa yung boss ni Ricardo. Hindi pa nadating eh.” Pagpapatuloy ni Manang Fe. Alleluia!

“Ahh . . sige ho, aalis na ako’t baka dumating pa.”

“Ihahatid na kita, Maya.”

“Ay, salamat Richard.”

Manang Fe kept staring at me while we made our way outside the house. I have some explaining to do when I get back.

Nakarating na kami ni Maya sa kabilang bahay. I just hope na walang tao, baka mamukaan nila ako.

“Naku, Richard, pasensya ka na, ha.”
“Ako nga ang dapat na humingi ng pasensya eh. Dahil pala sa’kin kaya ka nag-iintay lagi sa labas.”

She smiled. “Eh kasi naman ikaw eh, umalis ka bigla. Pahingi nga ng phone number mo para maite-text kita.”

I smiled back. I gave her my number. “I-text mo ako para malaman ko ang number mo.”

“Sige na. Lumakad ka na dun. Bye Richard!”

“Goodbye.”

Bumalik na ako sa bahay at tiningnan ang phone ko. There’s a new message from an unknown number.
“Kuya! J” I smiled. I’m sure that this is Maya.

“Ricardo.” It’s Manang Fe.

“Bakit ho Manang?”

TInaasan lang ako ng kilay ng matanda. I sighed. Then I sat on the couch. And I explained everything to her.

“Naisip mo bang lalo lang siyang magagalit kung malaman niyang nagsisinungaling ka lang?” tanong ni Manang Fe.

“I know that Manang. I’ll tell her at the right time.”

“At bakit sa tamang panahon pa?”

“Eh kasi Manang . . when I talk to her, I’m just me. She doesn’t know about me being the great Richard Lim. With her, si Richard lang ako. Nagiging totoo ako.”

She just smiled. “Hay nako bata ka. Basta aamin ka ha? Sige na.”

I smiled back. “Salamat, Manang.” And then I looked at my phone again. There’s another text from her.

“Pssst. Kuya Richard!”

And another one.

“Napagalitan ka ba ng boss mo?”

And another one.

“Sorry talaga.”

I decided to reply. “You should rest. Nilalagnat ka eh.”

“Uyyy, nag-aalala para sa’kin! Hehehe.” I smiled.

“I’m not always gonna be there to catch you whenever you faint. Tulog na, Maya.”

“Dinadaan mo nanaman ako sa english mong ‘yan eh. Sige na nga Kuya.”

“It’s Richard. Goodnight, Maya.”
“Goodnight, Richard!”

Advertisements

Your thoughts?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s